| Love? Ano yun? |
[Aug. 8th, 2010|09:48 am] |
| [ | mood |
| | cynical | ] |
| [ | music |
| | Plush/Stone Temple Pilots | ] | Namatay na naman po ang inyong abang lingkod...
At sa kanyang pagbabalik, inaasahan niya na maiaangat niya ang kanyang sarili sa krisis na ito...
Drama 'no?
Noon pa man, alam ko na masasaktan lang ako kapag na-iinlab ako.Marami na akong napag-daanan, lahat hindi maganda...siguro kung nalihis lang ang nanay ko sa pagkapaaanak sa akin, malamang, hindi ko makakayanan ang lahat ng mga nangyari noon at ngayon at patay na siguro talaga ako...
Magsenti ba?
Kaya balik na naman ako sa tanong na ito: "Love Ano yun? Nakakain ba 'yun" |
|
|
| GRAAAAH!!! |
[Jul. 31st, 2010|11:35 am] |
| [ | mood |
| | heartbroken | ] |
| [ | music |
| | "Crying like a Church on Monday"/New Radicals | ] | Para akong binagsakan ng mundo sa aking nalaman...
Ayoko na! AYOKO NA TALAGA!!!
'di ko alam kung paano ko na naman pupulutin ang sarili ko...
Bakit??? Bakit ako na lang lagi??? Bakit palaging nangyayari sa akin ito? |
|
|
| Ang Pakikipagsapalaran ni Raipo kasama ang mga Koreano... |
[Jul. 31st, 2010|11:26 am] |
Maniwala kayo sa hindi, nagtuturo ako ngayon ng Ingles sa mga batang Koreano na napisan ngayon sa Pansol...inirekomenda ako ng aking kaibigan kay Kaiu (ang tagapagalaga ng mga bata at "bossing" namin). Tinnangap din ako ng araw na iyon at pinakiusapang mag-stay in sa La Vista Pansol mula Lunes hannggang Biyernes sa loob ng 2 linggo...
3 araw pa lang ako sa trabaho, at hinihintay ko pa rin ang sagot ng DOST sa trabahong inihain nila sa akin...pero ok na rin na napadpad ako sa kanila dahilan na rin sa pangangailangang pinansyal...
Sa susunod, tatalakayin ko pa ng masinsinan ang aking mga pakikipagsapalaran sa La Vista Pansol!
Abangan!!! |
|
|
| 97: ang paggawa, ikalawang kabanata... |
[Jul. 31st, 2010|11:19 am] |
Sa likod ng mga hindi inaasahang pangyayari(kung mababasa ninyo ang entry sa may baba, bago ito...), ginagawa ko pa rin ang '97...
Nagawa ko na ang cover, ang mga paniningit at iba pang dapat ilagay...Matatapos ko ito sa huling linggo ng Agosto...
At sa kabutihang palad naman, nakakuha ako ng pansamantalang trabaho bilang isang tutor ng Ingles sa mga batang Koreano dito sa Pansol (tingnan ang artikulo sa taas para sa karagdagang impormasyon)
Itutuloy... |
|
|
| Nasal Drain |
[Aug. 23rd, 2004|03:11 pm] |
| [ | mood |
| | sick | ] | Nag-panasal drain ako sa isang EENT sa may Crossing Los BaƱos Laguna. Napag-alaman ko na tinubuan na pal ng polyp ang kanang butas ng ilong ko at kailangan na itong paoperahan. Akala ko talaga simpleng sinus lang. pinayuhan ako ng doktor na huwag munang mag-swimming hangga't hindi naaalis ang polyp... |
|
|
| Miss ko na yung mga bata >Singhot!!! |
[Aug. 15th, 2004|06:06 pm] |
| [ | mood |
| | nostalgic | ] | Nami-miss ko na ngayon yung mga batang Koreanong tinuruan ko. Naging masaya kami sa lahat ng aming mga naging karanasan...pagpunta ng Matabungkay, panonood ng Catwoman, pag-swimming araw-araw sa La Vista Pansol...Haaaay!
Pinangakuan ako ni Kaiu na padadalhan niya ako ng CD ng lahat ng mga litrato namin pagdating niya sa Inglatera. Ip[apaskil ko dito ang mga iyon kasama ng ilang mga pagsasalarawan pag dumating na iyon... |
|
|
| Ang Unang kabanata ng '97 (ikalawang bahagi) |
[Jul. 19th, 2004|11:06 am] |
| [ | mood |
| | sad | ] | Marami akong dapat baguhin sa mga panel. Lalo na sa unag pahina, may mali akong nagawa.Pero halos nangangalahati na ako sa mga gawain, at inaalala ko pa rin na baka tawagan ako ng DOST sa mga susunod na araw ng linggong ito...
Mukhang hindi ko ito matatapos ng Hulyo 25... |
|
|
| Mga Superhero sa lokal na telebisyon! |
[Jul. 19th, 2004|10:53 am] |
| [ | mood |
| | weird | ] | Napapansin kong tumataas na naman ang popularidad ng mga superhero dito sa Pinas. Nagkakaroon na uli ng pagmulat ang madla sa komiks/comics at wari ko ay lalaki pa ito sa mga susunod na mga araw.
Naabutan ko minsan ang video ng Kamikazee na pinamagatang "Girlfriend" at natuwa ako dahil mala-Superman ang tema ng nasabing video. Matatandaan na ang nabanggit na band ay gumawa na nuon ng video na hango sa kantang "Lucky" ni Britney Spears na "sentai" o jap superhero naman ang tema.
At ngayon naman, ipinapakita na ng GMA 7 ang patalastas nila sa bago nilang "pantaserye": Darna! Ano kaya ang magiging reaksyon ng madla sa seryeng ito?
Hmmmm.... |
|
|
| Ang unang kabanata ng '97 |
[Jul. 14th, 2004|09:46 am] |
Sa wakas ay naumpisahan ko na rin muli ang '97 at mukha namang ok ang lahat ngayong wala akong masyadong pinagkaka-abalahan.
Natapos ko na ang paglalapis sa 12 pahinang istorya at 2 pahina na ang nai-ink ko ngayong miyerkules, Hulyo 14. Malamang matapos ko ito bago matapos ang buwan o mas maaga pa.
Kapag natapos na ito, natitira na lang ang mga cover (harap at likod) at kung ano-ano pang sorpresang ilalagay ko...
Ay! Spoiler!
tunghayan ang mga susunod na panulat ukol sa estado ng '97! |
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
| [ |
go |
| |
earlier |
] |
| |
|
|